FAQ about Dr. McMuffin (a.k.a Mga bagay na gusto niyang ipaalam sayo kahit ayaw mo naman malaman.)

  • Parang dati pa kita kilala?

Oo. Taga-wordpress na ako dati pa. Ako si Padre Salvi nun. http://padresalvi.wordpress.com. Buhay pa yan. Ayaw ko lang galawin.

  • So bakit hindi ka bumalik dun?

Gaya ng kagustuhan mong magkaroon ng bagong buhay, o bagong gamit, o bagong pangalan.. may kagustuhan din ako na mag-bagong blog.

  • Ano ang ginagawa mo sa buhay?

Isa akong delingkwenteng istudyante pero nagbabagong buhay na.  Kasalukuyang nag-aaral ng Italyano at Aleman. Kakalat-kalat sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Pero sa sobrang laki ng UP, malamang hindi mo ako makikita. Pag wala ako sa Quezon City, nasa bahay lang ako. Nag-cocomputer, o kaya nanonood ng TV or DVD. Pili ka lang.

  • Describe yourself.

MIRROR PLEASE. (Lol. Parang Slumbook lang nung Elementary)

  • Seryoso. Describe yourself.

Fanboy.

  • Fanboy nino?

Kilala mo si Ty Burrell? Si Phil Dunphy ng Modern Family? Sasapakin kita kung hindi!

Bukod kay Ty Burrell, fan na fan din ako ni George Clooney, tapos ni Jon Hamm. Pati yung tennis player na si Novak Djokovic.

  • Ooh, fan din ako ni [insert name here].

Malamang magkakasundo tayo. Mas maraming pagkakasundo, mas masaya.

  • Anung mga topic ang kadalasang bina-blog mo?

International (at pasaring na Local) Showbiz, Tennis at School Life. Pero open naman ako sa ibang topics.

  • Gusto ko malaman ang insights mo about [insert topic here]! Iblog mo naman!

Sure! Madalas kasi ako nawawalan ng ideas. Kung gusto nyo akong kausapin, SUPER daming paraan. Pakalat kalat ako sa internet.

Twitter: drmcmuffin – Ang aking twitter account ay isang karinderyang bukas sa lahat ng kumakain. Este, follow lang ng follow. Pakilala kayo para ifollow back ko din kayo.

Facebook: Meron akong Facebook pero mga kakilala ko lang ang inaadd ko. Sorry, maarte.

Plurk: carlthehero – Di ko na masyado tong napapansin. Paplurk plurk na lang ako ng once a day. Ganito ganyan.

Tumblr: superphildunphy – Hindi halata na fan ako ni Phil Dunphy.

Getglue: drmcmuffin

Foursquare: drmcmuffin

Madalas din ako sa forums. Sa PinoyExchange at Peyups.