I got my email last Monday, which I sent 3 years ago. Thanks to futureme.org.

Dear FutureMe,

Na-cool-an ka sa ginawa ni Kuya Kel (Michael Flores, UP Circuit) nung 2005. Eventually, nareceive na niya ngayon yung email niya last 3 years ago. So, that is 6 years from time mo ngayon.

May exam ka sa EEE 23 bukas, Sabado, 4-7 pm. 1st long exam yun. Sana 1 take mo lang ang EEE 23, at naexempt ka sa Finals. Kinakabahan ka na. Pero di ka pa rin nagrereview.

Syempre, di mo makakalimutan na bumagsak ka sa EEE 33. Sana pumasa ka na ng second take. 5th year second sem ka na, so by that time.. nosebleed EEE na ang kinukuha mo.

Kapag nagshift ka na, sana related sa Medicine ang pinagshiftan mo. Nainspire ka kasi sa Grey’s anatomy.

Siyanga pala, nasa 2nd season ka pa lang ng Grey’s Anatomy. Nagpromise ka na nasa 5th season ka na by the end of the year.

Anung season kaya nag-end ang Grey’s? Saka Heroes, Chuck, The Office at Desperate Housewives. Dapat nasubaybayan mo na rin ang 90210, Gossip Girl, Entourage, 30 Rock.

At bet mo na nga pala si Kenny, Crystal at Bob sa Survivor Gabon, nanalo kaya ang isa sa kanila?

By the way, kaka-second thread pa lang ng Djokovic Thread sa PinoyExchange. Andun si ate jennyian, yeomyung, liyan, mykel, sarahtancredi, mrazmaniac at iba pang Djokophiles. By this time, Australian Open 2008 + Tennis Masters Cup 2008 pa rin ang title niya.

P.S Oo nga pala, may napanaginipan ka na naka piggy back ride ang love of your life sayo. Kaso, di mo siya kilala. Sino kaya yun?

P.P.S Sino binoto mo sa 2010 Presidential Elections? Laban pala ni Pacquiao sa Sunday. Si Dela Hoya ang mananalo, sa tingin ko. Syempre alam mo na kung sino nanalo.

 

Very dramatic. Joke.

I would like to answer my e-mail to myself.

Dear PastMe,

Binagsak mo ang exam na yun. LOL. DI KA NGA NAGREVIEW. Pero 1 take mo lang ang EEE 23 at naexempt ka sa Finals. Super proud ka nung nangyari yun.

AT BUMAGSAK KA SA SECOND TAKE MO. Asar. Hindi na EEE kinukuha mo, pero nosebleed pa rin. German 30-31, 40 at Italian 40. Nosebleed.

Nagshift ka na, pero di Medicine related. And Grey’s Anatomy is so.. 3 years ago. LOL.

At natapos mo nga ang 5th season at the end of the year. Tapos nasira computer na ginagamit mo ngayon. Reformat. Tapos ngayon, di mo na pinapanood ang Grey’s dahil 1 season behind ka na. Pero hahabol ka naman.

Hindi pa rin nag-eend ang Grey’s. Yung Heroes, nacancel ng 4th Season. yung Chuck, Season 5, mag-eend pa lang. Yung The Office, di pa mag-eend pero umalis na si Steve Carell. At yung DH, mag-eend na ngayon, Season 8. Yung 90210, tinigilan ko na. Nanonood ako ng Gossip Girl at 30 Rock, pero yung Entourage, no.

At nanalo si Bob sa Survivor Gabon. Hahahaha.

At third thread na ang Djokovic Thread, ikaw ang gumawa. Andun pa rin sina mrazmaniac, sarahtancredi at mykel. Paminsan si yeomyung, ate jenny. Wala na si liyan, nakakamiss. AT APAT NA ANG GRAND SLAM TITLES NI NOLE. WORLD NUMBER 1 NA SIYA. Di mo pa iniisip yun nung time mo. Hahahaha.

P.S Maygad, kung alam mo lang. Hahaha. Di ko pa rin kilala yun.

P.P.S Di ako bumoto sa presidential elections bilang di ako nagregister. President na ngayon si Noynoy. Tapos, nanalo si Pacquiao. Kawawa naman ang gwapong mukha ni Oscar dela Hoya.