(Run Devil Run – SNSD. Mas gusto ko version nila kesa kay Ke$ha.)

I believe I am very late to ride the K-pop wagon. Hindi naman sa nakikiuso ako, trust me, nakikiuso ba ang taong nanonood ng Mad Men sa Pilipinas? Anyways, sasang-ayon naman kayo siguro kung sabihin kong natutuwa ako sa mga koreyanang ito. Ayon sa pagkakadikta ng aking memorya, sila ay sina Sooyoung, Tiffany, Yuri, Yoona, Jessica, Hyohyeon, Seohyun, Sunny and Taehyun (Wow! Kabisado ko!) Pero ang tanong, kabisado ko ba sila sa mukha?

Ginamit ko ang jersey number system sa music video ng kantang Oh! para makilala ang kababaihan ngunit pagkapanood ko ng music video ng Run Devil Run, hala, Super Junior na ata ang pinapanood ko. Para talagang nawala lahat ng “pag-aaral” ko sa mukha nila.

I mean, kaya ko namang magdistinguish ng mukha, at magkabisado ng pangalan. Dahil iyan ang buhay ko, nanonood ako ng kung-anu anong palabas sa TV at Movies, tapos madadagdagan ang People Database sa utak ko. Hindi ko lang talaga alam kung anung meron sa SNSD na hindi ko man lang ma-allocate-an ng memory (malloc, Yuck. Mamatay na ang C Programming.)

Baka naman nagtataka kayo kung bakit gusto kong kabisaduhin ang mga mukha nila, gumawa ako ng mga dahilan kung bakit niyo dapat kilala ang bawat isa sa SNSD.

1. Ang ganda-ganda nila, bakit hindi mo sila kilalanin? Grabe, arguably maganda at sexy silang lahat. Sabihin man natin na may pangit sa grupo nila, kung ikumpara naman natin sila sayo, mas maganda sila (Joke lang.) Pero human nature na ang magcompare ng kagandahan, pero sa taste ko.. lahat sila maganda.

2. Parte ng exam at reports. Nagawa na sa amin ito. Marinig-rinig ko lang sa aking mahal na institusyon (Ang EEEI) na bonus daw ito sa isang laboratory report ata. Eh madalas pa naman mambagsak ang institusyong ito. (17 units, punyeta) Baka si Yoona at si Hyohyeon ang tagapagligtas mo sa bagsik ng singko.

3. Balang araw, magiging prerequisite na ng pagkatao ang makilala ang SNSD. Parang sa kaso ni Sandara Park lang yan. Hindi ka tao kung hindi mo kilala si Sandara. Pero hindi ka rin tao kung kilala mo si Ericka Fife. TV ka na nagkatawang tao. O kaya, pinanganak ka nang nanonood ng Home Along The Riles ang nanay mo. (Sad to say, hindi ako pinanganak ng ganun)

4. Mamamatay kayo kung hindi niyo sila kilala. Taga-Serbia ata kayo kung hindi niyo alam ang balitang may pinatay na dahil hindi alam ang kantang Nobody. Para maiwasang magripuhan, kilalanin ang SNSD. Marami akong kaibigan na nangigripo at nanlalamon ng buhay. At fans sila ng SNSD. Kaya iwasan sila.

5. May kikidnap sayo tapos.. dadalhin ka sa isang bodega kung saan papanoorin ka ng lahat ng video ng SNSD at kailangang maiidentify mo silang lahat after watching. Si Shin Dong ng Super Junior ang kikidnap sayo. Siya yung matabang hate na hate mo pero ang galing niyang kumanta at sumayaw kaya ayaw siyang ilaglag sa grupo.

6. Enough said.